Pinangunahan ni SDS Hermogenes “Jimmy” M. Panganiban, CESO V, ang pagmomonitor ng opening of classes sa 108 schools ng SDO, Batangas City na binubuo ng 83 na Elementary Schools, 13 na Integrated Schools, 8 na National High Schools at 4 na Senior High Schoosl. Ang mga paaralan ay nagpamalas ng kahandaan sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 29, 2023.
Ayon sa report ng Monitoring Team ng SDO Batangas City ang mga paaralan ay handa at tumugon sa mga pamantayan ng pagbubukas ng klase. Ang interes sa pagkatuto ang pangunahing isinina alang alang ng mga paaralan.
Binigyang-pokus sa pagbisita ang enrollment, class size, number of learning materials, activation ng Oplan Balik-Eskwela helpdesk at iba pa.
Ayon sa Div. Planning Officer Madonna Abrugena, ang kabuuang enrolment ay umabot ng 60, 275 kung saan ang mga babaeng mag-aaral ay 29,378 at 30,877 ang mga lalaking mag-aaral mula kinder hanggang Senior HS.
Kasama ni SDS Panganiban sina ASDS Joepi F. Falqueza, mga Chiefs ng CID, Dr. Sacoro R. Comia at SGOD, Dr. Angelisa A. Amoto, mga Education Program Supervisors, Public Schools District Supervisors at SGOD personnel mula sa SGOD sa pag ikot sa ibat-ibang paaralan upang maisiguro ang kahandaan ng lahat. Dumating din ang Monitoring Team mula sa DepEd Regional Office. (mvcdelgado)