๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ Kick off ceremony, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š

Batangueรฑo Broadcaster Wins National Award
June 29, 2022
SDS Felizardo O. Bolaรฑos, nanguna sa Monitoring of Classes, mga paaralan ng SDO Batangas City, handa sa pagbubukas ng klase
September 14, 2022

Bilang hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela (BE) 2022, isinagawa ang ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ Kick off ceremony sa Concepcion Elementary School, August 8.

Ang programa ay pinangunahan ni SDS Dr. Felizardo O. Bolaรฑos at ASDS Dr. Joepi F. Falqueza, kasama sina CID Chief, Dr. Sacoro R. Comia at SGOD Chief Dr. Angelisa A. Amoto.

Nagbahagi si ASDS Falqueza ng kuwento tungkol sa โ€œCarpentry toolsโ€ kung saan binigyang diin ang pagkakaroon ng halaga ng bawat isa at ang tulong na maiiambag gamit ang kakaibang talentong taglay ng bawat isa upang maisakatuparan ang mga layunin.

Sa inspirasyong hatid naman ni SDS Bolaรฑos ay kanyang tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulong-tulong upang sama-samang tuparin ang misyon ng pagbibigay ng Edukasyon sa mga Batanguenong mag-aaral.

Nakiisa rin si Mayor Beverley Rose A. Dimacuha sa kick-off program ng Schools Division Office (SDO) -Batangas City at binigyang diin niya sa kanyang mensahe ang patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa mga programa ng SDO partikular ang paghahanda ng mga paaralan sa lungsod sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa August 22.

Hinikayat rin niya ang mga guro, magulang at ilan pang dumalo na magpa booster shot at pabakunahan ang kanilang mga anak para sa higit na proteksyon laban sa COVID ngayong magiging face-to-face na ang pag-aaral.

Ipinangako naman ng Chairperson ng Committee on Education na si Councilor Karlos Buted ang suporta ng Sangguniang Panlungsod sa SDO-Batangas City.

Bilang kinatawan ng mga magulang ay ipinahayag naman ni PTA Federated President, Arnold Calaluan ang buong pusong pagsuporta ng mga magulang sa DepEd Batangas City.

Nagdagdag ng kulay sina (Ret) SGOD Chief, Dr. Victoria Fababier at (Ret) SOCMOB SEPS, Ponciana Arevalo sa kanilang mga pagbabahagi ng karanasan at kahasaan sa larangan ng pahihikayat sa mga stakeholders na makiisa at palagiang tumuong sa DepEd.

Ibinahagi naman ni Dr. Caroline C. Gayeta, SEPS ng SOCMOB ang mga pangunahing layunin ng pagdiriwang samantalang masayang tinanggap naman ng PSDS ng District 3, Dr. Edelyn Briones ang mga nagsilahok sa pagdiriwang.

Tema ng Brigada Eskwela sa taong ito angโ€œBrigada Eskwela 2022: ๐“๐ฎ๐ ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐‡๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐€๐ซ๐š๐ฅโ€, kung saan bukod sa paglilinis ay naka focus din ito sa maintenance at repair ng mga paaralan.

Ang nagpadaloy ng programa ay si Maria Vinnah Delgado na EPS II ng SOCMOB.

(mvcdelgado)

Comments are closed.